Nagkakaloob ang Municipal Health Office (MHO) ng Alcantara ng libreng cancer screening at iba pang serbisyong pangkalusugan bilang bahagi ng Breast and Cervical Cancer Awareness Campaign sa bayan nitong October 21.
Kabilang sa mga serbisyo ang libreng pagsusuri para sa breast at cervical cancer sa mga babaeng edad 25 pataas, human papillomavirus (HPV) vaccination para sa mga batang babae edad 9 hanggang 14, at konsultasyon sa obstetrics-gynecology (OB-GYNE).
Nagsagawa rin ang Philhealth Health Insurance Corporation ng YAKAP registration at ID issuance, habang namigay ang MHO ng mga libreng gamot, HIV at hepatitis B screening, at health education at counseling.
Bahagi ng kampanya ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga kababaihan tungkol sa pag-iwas at maagang pagtuklas ng cancer, gayundin ang pagbibigay ng access sa mga serbisyong makatutulong sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.


























