Pormal nang tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, epektibo sa Setyembre 1, sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.
Itinalaga ng Pangulo si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong pinuno ng DPWH at inatasang magsagawa ng “organizational sweep” upang matiyak na ang pondo ng bayan ay napupunta sa makabuluhang imprastraktura.
Si Atty. Giovanni Lopez naman ang pansamantalang uupo bilang kalihim ng Department of Transportation upang ipagpatuloy ang mga modernization programs sa sektor ng transportasyon.
Kasabay nito, nag-utos si Marcos ng pagbuo ng isang independent body na tututok sa imbestigasyon ng mga flood control projects at magsusumite ng rekomendasyon para sa pananagutan ng mga sangkot.


































