Tatlong local government units (LGUs) lamang mula sa probinsya ng Romblon ang ginawaran ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong taon.
Ayon sa DILG, ito ang mga bayan ng Banton, San Fernando at San Agustin.
Inilathala ng DILG ang listahan ng mga nanalo sa SGLG ngayong taon sa website nito noong Huwebes, Oktubre 27, 2022.
Ang SGLG ay isang The SGLG is a progressive assessment system na in-adopt ng DILG upang magbigay ng distinction sa kahanga-hangang performance ng isang lokal na pamahalaan.
Sila ang mga unang awardees pagkatapos ng institutionalization ng SLSG sa pamamagitan ng pagsasabatas ng RA No. 11292.
Maliban sa tatlong bayan sa Romblon, ginawaran rin ng SLSG ang mga bayan ng Gloria sa Oriental Mindoro; at Brooke's Point at Narra sa Palawan.


































