Inanunsyo ng Philippine Ports Authority sa Batangas na kanselado na ang biyahe ng barko ng Montenegro Shipping Linse bukas, October 28, dahil sa bagyong #PaengPH.
Ayon sa PPA Batangas, wala ring biyahe ang barko ng Kho Shipping Lines patungong Masbate at Oceanjet 6 na biyaheng Calapan, Oriental Mindoro.
Ayon sa PPA Batangas, posibleng makaapekto ang bagyo sa operation ng Batangas Port kaya pinayuhan nila ang mga biyahero na planuhin ng maayos ang kanilang biyahe.
“The public is strongly advised to anticipate and take caution on their travel plans in the next few days to avoid getting stranded,” ayon sa PPA Batangas.
Samantala, wala pang anunsyo ang ibang Shipping Lines kaugnay sa kanselasyon ng biyahe ngunit automatic ito na kakanselahin ng Coast Guard kung may nakataas na storm signal sa Batangas o Romblon.

























