Inilunsad nitong October 3 ang Sibale Food Security Program, isang programa ng lokal na pamahalaan ng Concepcion, Romblon, sa pakikipagtulungan ng mga grupo ng mga mangangalakal, mangingisda, mga magbubukid, mga may-ari ng microbusiness at iba pang may mga pinagkakakitaan sa buong bayan.
Layunin ng nasabing programa na hikayatin ang lahat ng mga mamamayan at ng mga kasapi ng nabanggit na mga sektor na muling buhayin ang pagtatanim ng mga gulay at prutas, at ang pag-aalaga ng mga hayop.
Kasama na rin dito ang paglalako ng ibat-ibang produkto na mismong sa loob lang ng bayan nanggagaling gaya ng mga isda, kakanin, mga ulam at iba produktong gawa mismo ng mga mamumuhunang Sibalenhon.
Nagkaroon ng booth bawat barangay kung saan makakakita ang publiko ng iba't ibang pagkain, gulay, at produktong ipinagmamalaki ng isla.


































