Naghandog ng apat na araw na libreng minor at major surgical procedures ang World Surgical Foundation Philippines (WSFP) sa mga pasyente sa lalawigan ng Romblon bilang bahagi ng Romblon Surgical Outreach 2026 na isinagawa sa Romblon District Hospital sa bayan ng Romblon.
Dumating noong January 27 ang mga doktor, nars, medical partners, at mga boluntaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa upang makibahagi sa naturang medical mission. Layunin ng programa na makapaghatid ng libre at de-kalidad na serbisyong medikal, partikular sa mga Romblomanong nangangailangan ng agarang interbensyong surgical ngunit walang sapat na kakayahang pinansyal.
Isinagawa ang surgical outreach mula January 27 hanggang 30 kung saan iba’t ibang uri ng operasyon ang isinagawa, kabilang ang para sa thyroid mass o goiter, hernia, lumps at bumps, lipoma o mass, cholecystitis, hemorrhoids, at breast mass o cancer. May aabot sa 60 na major surgeries ang isasagawa ng grupo at ilang minor surgieries kabilang ang tuli.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, malaki ang naging tulong ng programa sa mga pasyente at kanilang pamilya, lalo na sa mga nangangailangan ng espesyalistang doktor na kadalasang limitado sa lalawigan.





































Discussion about this post