Naging matagumpay ang kauna-unahang 2-day Chess Festival Tournament na isinagawa sa bayan ng Cajidiocan noong Enero 24–25, 2026 sa loob ng Cajidiocan National High School (CNHS) Campus. Nilahukan ito ng kabuuang 74 na manlalaro mula sa Open, Junior, at Kiddie categories na nagmula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Romblon.
Sa Open Category, na nilahukan ng 42 players, nakuha ni Nephtali Bantang mula sa bayan ng Corcuera ang kampeonato matapos makalikom ng 6.5 puntos sa loob ng pitong rounds. Pumangalawa si Mark Kian Babangga ng San Fernando na may 6 puntos, habang pumangatlo naman si Dante Teano, mula rin sa San Fernando, na may 5.5 puntos.
Nakapwesto naman sa ika-4 hanggang ika-8 na puwesto, na may tig-5 puntos, sina Anjo Besimo ng Cambalo, Josh Galindo ng Danao, Marvin Balani at Robby Mark Batuigas ng Taclobo, at Joan Bangalisan ng San Fernando. Sa ika-9 at ika-10 puwesto ay sina MJ Repizo ng Cajidiocan at Justine Riano ng San Fernando na parehong may 4.5 puntos. Samantala, nasa ika-11 hanggang ika-15 puwesto naman sina Mary Geo Rubio ng San Fernando, Sherwin Rotoni, King James Maham, at John Paul Recto ng Cajidiocan, at Jimson Serrano ng Magdiwang na may tig-4 puntos.
Sa Junior Category, nakuha ni MJ Repizo ng Cajidiocan ang kampeonato matapos magtala ng 6 puntos. Pumangalawa at pumangatlo sina King James Maham ng Cajidiocan at Josh Galindo ng Danao na parehong may 5.5 puntos. Nasa ika-4 at ika-5 puwesto naman sina Van Louell Regla ng Cajidiocan at Jimson Serrano ng Magdiwang na may tig-5 puntos. Sa ika-6 hanggang ika-8 puwesto ay sina Althea Guillermo, Sherwin Rotoni, at Van Ronjet Fajutag na may tig-4.5 puntos, habang nakuha nina Kian Carlos Obligacion at Eazelle Robiso ang ika-9 at ika-10 puwesto na may 4 puntos. Itinanghal namang Top Female ng torneo si Dharen Vicente ng San Fernando.
Para naman sa Kiddie Division, nakuha ni Sean Ryker Prudencio ng San Fernando ang kampeonato. Pumangalawa si Justine Riano ng San Fernando, habang pumangatlo si Dane Vincent Royo ng Cajidiocan. Nasa ika-4 na puwesto si Ethan Roda ng San Fernando, ika-5 si Janella Rada ng Magdiwang na itinanghal ding Top Female sa Kiddie Category, ika-6 si Rhianne Rubio ng San Fernando, ika-7 si Kate Zhia Royo ng Cajidiocan, at ika-8 si RJ Mangarin ng Cajidiocan.
Dahil sa tagumpay ng torneo, inaasahan ng CNHS Chess Club na masusundan pa ito ng mas marami at mas malalaking chess tournaments sa hinaharap upang patuloy na mahikayat ang mga kabataan na mahilig at magaling sa larong chess. Napapanahon din umano ang ganitong mga aktibidad sa gitna ng mga ulat na isinasama na ang chess sa kurikulum ng ilang mga paaralan bilang bahagi ng pagpapaunlad ng critical at analytical thinking ng mga mag-aaral.





































Discussion about this post