Pansamantalang isinara muna para sa mga turista at hikers ang kilalang kilalang Mt. Guiting-Guiting sa Sibuyan Isand, Romblon para bigyang daan ang isasagawang pagsasaayos sa mga trail at siguridad ng mga gustong umakyat sa bundok.
Ayon kay Governor Trina Firmalo-Fabic, off-season muna ang bundok dahil sa madalas na pag-ulan at mataas na panganib ng trail.
Ang anunsyo ay kasunod nang pagkasawi ng isang 46-anyos na hiker dahil sa mga sintomas ng hypothermia. Ito ay ang matinding pagod, panginginig, at disorientation ang hiker habang nasa trail.
Pagdating ng mga rescuer, binigyan ng paunang lunas ang hiker bago siya ibinaba mula sa kabundukan at dinala sa pinakamalapit na ospital. Sa kabila ng mabilis na aksyon, idineklarang pumanaw ang biktima, na ang opisyal na sanhi ng kamatayan ay hypothermia.
Ayon sa rekord, wala umanong iniulat na pre-existing medical condition ang hiker at nakapagsumite pa ito ng medical certificate na nagsasabing siya ay fit to climb.
Tiniyak ni Gov. Fabic na handa silang makipagtulungan sa lahat ng kaukulang ahensya upang masiguro ang kaligtasan ng mga umaakyat sa kabundukan ng lalawigan.




































Discussion about this post