Niyanig ng isang mahinang lindol ang bayan ng Corcuera, Romblon ngayong umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.
Batay sa ulat ng ahensya, naitala ang Magnitude 2.7 na lindol bandang 11:32 ng umaga ngayong December 17 sa layong 8km west ng bayan ng Corcuera.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Wala namang inaasahang damages at aftershocks ang nasabing lindol.


































