Isang lineman ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) ang nasawi matapos makuryente habang inaayos ang isang poste ng kuryente na nasira ng Bagyong Opong, Martes ng umaga, Oktubre 7.
Ayon sa inisyal na ulat, aksidenteng nakuryente ang biktima habang nagsasagawa ng pagkukumpuni sa linya ng kuryente sa bayan ng Calatrava. Dahil sa tindi ng kuryente, nawalan ito ng balanse at nahulog mula sa poste.
Agad siyang isinugod sa San Andres Municipal Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
Discussion about this post