• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Thursday, August 20, 2026
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    No. 1 most wanted sa Romblon, arestado sa kasong limang bilang ng statutory rape

    48-anyos na lalaki, arestado matapos umanong suntukin ang kainuman sa Odiongan

    SB member, naniniwalang may target sa kanya matapos basagan ng mga bote ang labas ng bahay

    ₱3.7K halaga ng ilegal na pinutol na kahoy, nasabat; 2 arestado sa Odiongan

    21 PWD sa Sibuyan, sinukatan para sa libreng prosthetic arms at legs

    392 estudyante sa Romblon, naitalang biktima ng bullying sa isang school year

    8 aplikante, hired on the spot sa TESDA job fair sa Odiongan

    188 Romblomanon, nagtapos sa programa ng TESDA

    11 farmers’ associations sa Romblon at Palawan, tumanggap ng ₱1.73-M swine support

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

    MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Register
No Result
View All Result

Tampuhan sa legislative at executive offices ng LGU San Andres, nauwi sa pag-evacuate ng bise alkalde at mga konsehal

Romblon News by Romblon News
October 8, 2025
in Politics, San Andres
Reading Time: 16 mins read
604
0
Home Politics
Share on FacebookShare on Twitter

Umalis sa kanyang opisina si Vice Mayor Joel Ibañez ng bayan ng San Andres, Romblon kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan matapos silang paalisin umano ni Mayor Fernald Rovillos sa session hall at opisina ng legislative department noong Lunes, dahil sa hindi pagkakaunawaan hinggil sa mga appointment sa munisipyo.

Nag-ugat ang sigalot matapos maantala ang concurrence ng Sangguniang Bayan sa appointment ng Municipal Budget Officer at Municipal Health Officer dahil umano sa kakulangan ng kaukulang dokumento.

Sa panayam ng Romblon News Network, ipinaliwanag ni Ibañez na hinahanap nila sa Human Resource Officer ng munisipyo ang mga dokumento na ipinasa ng dalawang appointed official para maipatupad nang maayos ang kanilang oversight power.

“Naghanap ng documents ‘yung mga SB, ‘yung documents na nasa checklists ng CSC, para matingnan nila kung may kulang at kung ano pa ang mga kailangan base na rin doon sa CSC rules na mga documents,” ayon kay Ibañez.

Hinahanap din umano nila ang endorsement letter ni Mayor Rovillos para sa dalawang appointed official, ngunit wala umanong ibinigay sa kanila ang HR officer ng bayan.

“Lumabas ‘yung HR [sa session hall] at maya-maya ‘yun parang hindi namin alam at [nalaman na lang namin] na nagalit daw si Mayor. Si Mayor mismo nagsabi sa amin na lumayas daw kami,” dagdag pa ni Ibañez.

Agad umanong tinapos ni Ibañez ang kanilang session at nag-impake. Tanong pa ng bise alkalde, bakit umano nadamay siya gayong presiding officer lamang siya.

Sa ngayon, naghahanap na umano sila ng mauupahang lugar para sa pansamantalang opisina at pinag-uusapan na rin kung saan magsasagawa ng session ang mga konsehal ng bayan, matapos lagyan ng mga stockpile ng family food packs mula sa DSWD ang opisina ni Ibañez at ang session hall ng Sangguniang Bayan.

Paliwanag ng Alkalde

Sa hiwalay na panayam, itinanggi ni Mayor Fernald Rovillos na “pinalayas” ang Bise Alkalde at mga konsehal. Giit niya, pinagbigyan lamang umano niya ang kagustuhan ng legislative department na maging “independent” sa kanilang operasyon.

“Hindi naman sa pinalayas,” ayon sa alkalde.

“Sabi ko, gusto niyo ng independent pala, ibig sabihin you are not part of this local government unit which I am the head. [Ang sagot], hindi daw Mayor kasi iba naman daw sila, legislative daw sila e, so fine. Anyway, kung gusto niyo ng independence, you need to have your own legislative office,” dagdag pa ni Rovillos.

Binigyang-diin din ni Rovillos na kailangan nang mapunan ang bakanteng posisyon sa Municipal Health Office at Budget Office, lalo na’t panahon na ng budget deliberation.

Aniya, matagal nang tumutulong ang pansamantalang MHO na walang suweldo kaya’t agad niyang in-appoint ito.

Ang problema kasi naghahanap ng mga papel, mga minor lang naman, katulad ng endorsement paper. Pero sabi ko, the mere fact na may signature ako, meron akong appointment, dumaan sa PSB, dumaan sa HR, diba? Kailangan pa ba ng endorsement?” dagdag pa niya.

“Anyway, once a week lang naman kayo nagtatrabaho for the session. Ay ang Mayor everyday, 24/7 kami, kayo once a week lang. So for the meantime, gagamitin ko muna ‘yung office, [lalagay] ‘yung mga nababasa na food packs,” ayon pa sa alkalde.

Epekto sa mga residente at serbisyo ng Bayan

Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ng dalawang opisyal na bukas naman umano sila sa reconciliation. Gayunpaman, nitong Martes, ayon sa dalawa, ay wala pang nagpaparamdam mula sa kabilang panig.

Dahil sa nangyari, nangangamba ang ilang residente ng San Andres sa posibleng epekto ng sigalot sa pagitan ng executive at legislative offices sa mga serbisyo ng lokal na pamahalaan, lalo na sa mga programang nangangailangan ng koordinasyon ng dalawang sangay.

Ipinahayag ng ilang konsehal na posibleng maantala ang pagpasa ng mga ordinansa at proyekto, kabilang ang mga pondo para sa rehabilitasyon at tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Opong.

Umaasa naman ang mga residente na agad mareresolba ang gusot upang maibalik ang maayos na ugnayan sa pagitan ng mga opisyal at masiguro ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga taga-San Andres.

Related Posts

Ilang bahay nasira dahil sa malakas na hangin sa San Andres, Calatrava

August 9, 2026
2 sugatan matapos maaksidente ang motorsiklo sa San Andres

August 1, 2026
36-anyos na rider patay sa salpukan ng motorsiklo sa San Andres

July 30, 2026 - Updated On August 2, 2026
TIELCO namahagi ng solar lighting systems sa anim na kabahayan sa San Andres

July 28, 2026

Popular Stories

  • ₱3.7K halaga ng ilegal na pinutol na kahoy, nasabat; 2 arestado sa Odiongan

    ₱3.7K halaga ng ilegal na pinutol na kahoy, nasabat; 2 arestado sa Odiongan

    293 shares
    Share 117 Tweet 73
  • 48-anyos na lalaki, arestado matapos umanong suntukin ang kainuman sa Odiongan

    81 shares
    Share 32 Tweet 20
  • 8 aplikante, hired on the spot sa TESDA job fair sa Odiongan

    68 shares
    Share 27 Tweet 17
  • SB member, naniniwalang may target sa kanya matapos basagan ng mga bote ang labas ng bahay

    38 shares
    Share 15 Tweet 10
  • 392 estudyante sa Romblon, naitalang biktima ng bullying sa isang school year

    33 shares
    Share 13 Tweet 8
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Palasyo hinikayat ang publiko na i-report ang iregularidad sa presidential scholarship program

#WalangPasok | August 17, 2026

Solar-powered ice plant malaking tulong sa mangingisda sa San Agustin

TRENDING FOR THE MONTH

Dalawa patay sa aksidente sa motorsiklo sa Calatrava

36-anyos na rider patay sa salpukan ng motorsiklo sa San Andres

Babaeng rider na susundo sana ng anak sa paaralan, patay matapos masalpok ng rider na umano’y lasing

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Click here to close the Ad

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Blogs
  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Sign Up