Pinaghahandaan ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng paglala ng mga kilos-protesta o demonstrasyon sa bansa na maaaring maihalintulad sa mga nangyari sa Indonesia at Nepal, dulot ng kontrobersiya hinggil sa korapsyon sa mga flood control projects.
Ayon kay PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., nakahanda na ang mga security plan upang maiwasan, mamahala, at mapanatili ang seguridad sa mga lugar na posibleng maging lugar ng protesta.
Mayroon ding mga impormasyong hawak ang pambansang pulisya na maaaring nagamit na sa kanilang mga operasyon at nationwide monitoring upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Ipinaabot ni Nartatez na patuloy nilang babantayan ang sitwasyon at magbibigay ng proteksyon sa publiko habang inaasahang sisiklab ang mga kilos-protesta.
Sa nakalipas na mga araw, nagsagawa ang ilang grupo ng mga kilos-protesta laban sa umano'y korapsyon sa flood control projects ng gobyerno. Maraming bahagi ng bansa ang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng matitinding pag-ulan sa mga nakaraang buwan.
Kaugnay nito, nakita rin ang pagkakatulad sa mga protesta sa Nepal at Indonesia. Sa Nepal, nagsimula ang mga demonstrasyon noong Setyembre 8, na karamihan ay inorganisa ng mga kabataan mula sa Generation Z at iba pang grupo. Sa mga protesta, nilusob ng mga nagpoprotesta ang parliyamento at sinunog ang mga bahay ng ilang pulitiko, na nagpalala sa sitwasyon dahil sa korapsyon at iregularidad na isyu.
Sa Indonesia naman, libu-libong tao ang nagsagawa ng protesta sa labas ng parlament nila noong Agosto 25, kaugnay ng pagtataas ng housing allowance ng mga miyembro ng kanilang kongreso. Ang mga labanang ito ay nagsilbing paalala sa mga isyung kinakaharap ng iba't ibang bansa na may kinalaman sa katiwalian.
Discussion about this post