Inihalal ng Kamara de Representantes si Isabela 6th District Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang bagong Speaker, kapalit ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Ang pagbabagong ito ay pormal na idineklara matapos ang botohan sa plenaryo nitong Miyerkules, Setyembre 17.
Nakakuha si Dy ng kabuuang 253 boto mula sa mga kasapi ng mababang kapulungan. Walang tumutol sa kaniyang pagkakahalal, apat ang hindi bumoto, at 28 ang nag-abstain.
Matapos ang botohan, sinabi ni Caloocan Rep. Edgar Erice na nanindigan ang House minority bloc sa pananatili ni 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan bilang kanilang Minority Leader.
Ang pagpalit ng liderato ng kamara ay kasunod ng mga isyung nasasangkot ang ilang kongresista at si Romualdez.



































