Target ng iba’t ibang progresibong grupo ang malawakang kilos-protesta sa Setyembre 21 upang ipanawagan ang pananagutan ng mga opisyal at kontraktor na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Unang nagtipon ngayong araw, September 11, ang ilang grupo sa EDSA Shrine sa Ortigas Avenue bilang panimulang pagkilos. Giit ng mga raliyista, dapat magtalaga ng mga lider na may malinis na konsensya at dangal upang hindi masayang ang pondo ng taumbayan.
Kabilang sa mga lumahok at nagpahayag ng panawagan laban sa katiwalian ang Akbayan Youth, Tindig Pilipinas, at Youth Against Kurakot. Nanawagan rin ng masusing pagbabantay sa mga imbestigasyon sina Khylla Meneses, Secretary General ng Akbayan Youth, at Matthew Silverio, National Councilor ng Alliance of the Philippines.
Samantala, tiniyak ng mga otoridad na mananatiling mapayapa ang mga inilulunsad na protesta at pinayuhan ang publiko na huwag magpa-provoka ng kaguluhan.
Discussion about this post