Nag-anunsyo si Mayor Greggy Ramos ng Cajidiocan na pormal siyang magsusumite ng liham kay Governor Trina Firmalo-Fabic upang hilingin ang muling pagrepaso at masusing pag-aaral ng lahat ng aktibong quarry sites sa kanilang bayan.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Mayor Ramos na layunin ng hakbang na matiyak kung sumusunod sa batas ang mga quarry operation at kung nararapat pa bang pahintulutan ang mga ito.
“Tayo po ay pormal na susulat kay Governor Trina Firmalo na i-revisit lahat ng existing Quarry Sites sa Cajidiocan at pag-aralan kung may paglabag ba o wala o may pangangailangan pang magpatuloy o kailangan ipahinto,” pahayag ni Ramos.
Dagdag ng alkalde, igagalang at susundin ng lokal na pamahalaan ang magiging desisyon o resulta ng pagsusuri ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB).
“Tayo po ay susunod at tatalima po sa decision o resulta ng evaluation ng PMRB,” aniya.
Ang panawagan ng alkalde ay kasunod ng mga reklamo na may ilang quary sites sa Sibuyan na nakakaapekto sa kalikasan, kabuhayan, at kaligtasan ng mga komunidad.
Inaasahan na magbibigay linaw ang evaluasyon ng PMRB kung ligtas, legal, at sustainable ang mga operasyon ng quarry sa Cajidiocan.
Discussion about this post