Lumubog ang isang landing craft transport (LCT) na barko na may kargang 2,500 litrong krudo sa Sibuyan Sea, malapit sa Cresta de Gallo sa Romblon umaga ng Lunes, June 30.
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) Southern Tagalog District ang insidente, kung saan ang barko na kinilalang San Juan Bautista ay lumubog habang naglalayag mula sa Guihulngan Port, Negros Oriental.
Ayon kay Commodore Geronimo Tuvilla ng PCG Southern Tagalog District, ligtas na nasagip ang anim na crew ng barko ng isang fishing vessel na dumaan sa lugar at patungo sa Negros Occidental. Dinala ang mga nasagip sa Cadiz City, Negros Occidental.
Nakatakdang magsagawa ng aerial inspection ang PCG bukas upang matukoy ang posibleng banta ng oil spill sa karagatan. Patuloy ding iniimbestigahan ng PCG ang sanhi ng paglubog ng barko.
Discussion about this post