Apat na komite ng Sangguniang Bayan (SB) ng Odiongan ang nakatakdang magsagawa ng joint committee hearing ngayong linggo upang imbestigahan ang isyu ng lupa sa Buyco Estate na matagal nang idinadaing ng mga magsasaka sa lugar.
Ayon kay SB Member Ricmel Falqueza, kabilang sa mga komiteng magtutulungan sa imbestigasyon ay ang Committee on Agriculture, Committee on Good Governance, Committee on Land Use, at Committee on Legal Matters.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng privilege speech ni SB Member Dondon Fernandez nitong March 17, kung saan iginiit niyang kailangang magkapaliwanagan ang mga magsasaka, at concerned government agency para mabigyan ang una ng tamang impormasyon at solusyon sa kanilang problema.
Ayon sa Anahao-Canduyong-Tubigon Farmers Association, matagal na silang lumalapit sa mga kinauukulang ahensya tulad ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na malinaw na tugon. Hinihiling ng mga magsasaka na sila ay gawaran ng bahagi sa 319 ektaryang lupa na kanilang matagal nang sinasaka sa mga barangay ng Anahao, Canduyong, at Tubigon.
Related Stories: Farmers’ association in Romblon seeks PBBM’s intervention in Buyco Estate land Dispute, FYI: The Timeline of Buyco Estate in Odiongan