Noon pa man ay isa ito sa mga adhikain ng aktibong Mayor Trina Firmalo- Fabic. Nakita ng butihing Mayor na sa mga pagpupulong, karamihan ay mga babae ang dumadalo. Maging sa mga pagsasanay at meeting ng kooperatiba, pagpupulong ng mga magsasaka, sila din ang ipinapadala ng kanilang asawa.
Dahil sa may basihan naman na Memorandum Circular No 2006-125 on PROCEDURES AND STRUCTURE FOR THE CREATION OF LOCAL COUNCILS OF WOMEN mula sa DILG ay minabuting magakda ng isang ordinansa ang Lokal na Pamahalaan ng Odiongan. Ang maikling pamagat ng ordinansa ay Odiongan Council for Women Ordinance. Sponsored by an active Lady Legislator former SB Member Gecelle Menez Fainsan, ang nasabing ordinansa ay naipasa at naaprobahan noong Agosto 18, 2020 bilang Ordinance No.2020-48. Maliban pa sa pagakda ng ordinansa ng matapos ang kanyang termino, si Ms Gecelle ay itinalaga din bilangFocal Person for Women’s Affair dahil gamay niya ang mga kaugalian ng kababaihan. Suportado ng MSWD ang mga programa ng Local Council of Women ng Odiongan at ganoon din ni Ms Ma. Chairmaine Gaa, Gender and Development Officer na siyang pinanggagalingan ng mga pondo ng kanilang proyekto
Ang unang layunin ng ordinansa ay para mapalakas ang laban ng kababaihan kontra sa Violence Against Women and Childre (VAWC) pero higit pa roon ang mga natamong mga epekto nito sa hanay ng mga kababaihan. Dahil dito ay nagakaroon sila ng pagkakataong maipakita ang maraming kakayahan ng kababaihana sa ibat ibang larangan dito sa bayan ng Odiongan. Nabuo nila ang organisasyon ng Local Council of Women sa 25 barangays sa gabay ni Mam Elen Casidsid na Community Organizer. Nagkaroon sila ng ibat ibang kaalaman at galing dahil sa maraming pagpupulong, pagsasanay at pakikipag ugnayan.
At pursigido ang butihing Mayor Trina Firmalo-Fabic dahil naniniwala siya na sa pamamagitan ng malakas na grupo ng kababaihan ay mas magkakaroon ng lakas ang mga pamilya na magplano ng mga proyekto para sa kaunlaran dahil partner na ng tatay yong kanyang maybahay. Malaking bagay sa mga komunidad ang organisasyon ng mga kababaihan dahil buhay ang kamalayan hindi lamang sa pamilya kundi sa pagunlad din ng komunidad.
At dahil sa buwan ng kababaihan ay naghanda ng mga programa ang Lokal na Pamahalaan para pag ibayuhin ang adhikain na kilalanin ng mga kababaihan ang kanilang mga kakayahan. Para maging lalo pang aktibo ang hanay ng working force ng kababaihan ay binigyan sila ng isang araw na special holiday break para sa mga kababaihang kawani para magkaroon pahinga at marananasan ang magmake over sila na kahit isang araw ay magkaroon ng bagong karanasan sa kanilang buhay katulad ng pagpapagupit, pamassage, at iba pang pagpapaayos sa sarili. Dahil ang tema ng kanilang selebrasyon ng buwan ng kababaihaan ay; BABAE SA LAHAT NG SEKTOR, AANGAT ANG BUKAS SA BAGONG PILIPINAS, marapat lamang na batiin natin ang lahat ng kababaihan sa buong mundo ng MALIGAYANG BUWAN NG MGA MAHAL NAMING KABABAIHAN!! Batiin natin si Nanay,Mama, Mommy,si Lola at si Ate.
Puno ng mga aktibidad ang mga araw sa buwan ng Marso, dahil sa Marso 21, 2025 ay magkakaroon ng parada ang mga kababaihan sa bayan ng Odiongan. Magkakaroon sila ng mga group lectures at sport activities . Magkakaroon din ng exhibits ng mga produkto, proyekto at ibat ibang serbisyo ang mga grupo mula sa 25 barangay at para mas lalong pasayahin ang kanilang selebrasyon ay magkakaroon din sila ng GABI NG KABABAIHAN sa Odiongan Covered Court sa Marso 25, 2025.
Ang Odiongan ang kauna-unahang bayan sa lalawigan na nagpasa ng ordinansa at nagtatag ng Local Council of Women hanggang sa ngayon at sumunod na din ang bayan ng Banton.