Si Aghie Radan, isang Sibuyanon mula sa Agnonoc, Tampayan, Magdiwang, Romblon, ay muling nagpakitang-gilas sa larangan ng atletika matapos makuha ang tansong medalya sa prestihiyosong Spartan 100m World Championship na ginanap sa Hvar Island, Croatia.
Anak nina Dinualdo at Vergilia Radan, unang nakilala ang kanyang husay bilang atleta sa Polytechnic University of the Philippines, kung saan niya hinasa at pinagyaman ang kanyang kakayahan sa sports.
Hindi bago si Aghie sa mga tagumpay sa atletik, dahil nasungkit din niya ang gintong medalya sa Southeast Asian Games noong nakaraang taon.
Sa pagkakataong ito, ipinagpatuloy niya ang kanyang laban sa pandaigdigang entablado at pinatunayan ang kanyang lakas, liksi, at determinasyon.