Muling nagpatupad ng ban ang lokal na pamahalaan ng San Jose sa lahat ng karne ng baboy at produktong gawa sa baboy bilang pag-iingat sa bayan sa banta ng African Swine Fever (ASF).
Sa bisa ng isang executive order na inilabas ni Mayor Egdon Sombilon, inuutusan ang Municipal Agriculture Office, San Jose Police Station, Coast Guard, at mga punong barangay na bantayan ang posibleng pagpasok ng mga karne ng baboy mula sa kalapit na isla.
Ilan sa mga bawal ipasok sa isla ay ang longganisa, chorizo, tocino, siomai, bacon, at iba pa.
Ang ban ay kasunod sa ulat na patuloy na pagdami ng kaso ng ASF sa mga karatig probinsya ng Batangas, Aklan, at Mindoro provinces.
Ayon kay Sombilon, sa huling ulat umano ng Romblon Provincial Veterinarion na si Dr. Paul Miñano, nanatiling nasa ASF-free zone ang San Jose kaya mainam na umanong pangalagaan ito.
Hinihkayat ni Sombilon ang publiko na i-report sa MAO o sa kanilang opisina kung sakaling makitaan ng pagkakasakit ang mga alaga nilang baboy lalo na kung ito ay kahalintulad sa sintomas ng ASF.
Discussion about this post