Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lokal ng San Jose, Romblon, ang ika-124 na Civil Service Day noong ika-12 hanggang ika-13 ng Setyembre, bilang pagkilala at pasasalamat sa mga kawani ng bayan.
Layunin ng pagdiriwang na bigyang-halaga ang kontribusyon ng mga empleyado sa pagpapanatili ng kaayusan at paglilingkod sa pamahalaan.
Sa mensahe ni Mayor Egdon T. Sombiln, pinuri niya ang dedikasyon ng mga kawani, na nagsilbing pundasyon ng tagumpay ng lokal na pamahalaan sa nakalipas na taon.
Aniya, ang mga nagawa ng LGU ay resulta ng kanilang sipag at pagsusumikap. Hinikayat niya ang lahat na ipagpatuloy ang kanilang magandang gawain at patuloy na maglingkod nang may malasakit.
Ginawaran din si Arlou Capispisan ng pagkilala sa kanyang kabayanihan sa pagliligtas ng mga survivor mula sa paglubog ng bangka sa Caluya, Antique, bilang isang patunay ng tapat na serbisyo ng mga kawani ng bayan.