Naging matagumpay ang blood donation drive na isinagawa kamakailan ng Philippine Red Cross Romblon chapter sa bayan ng San Jose, Romblon, kung saan 74 na residente ang boluntaryong nagbigay ng dugo.
Tinawag na “Dugoyanihan,” layunin ng programang ito na makalikom ng sapat na suplay ng dugo para sa blood bank ng Red Cross sa Odiongan, na maaaring gamitin sa oras ng pangangailangan.
Nagpahayag ng pasasalamat ang Rural Health Unit ng San Jose sa mga residente na tumugon sa kanilang panawagan na makiisa sa donation drive.
Sa nakalipas na mga linggo, inanunsyo ng Red Cross ang kakulangan ng suplay ng dugo sa kanilang blood bank, kaya’t hinihikayat nila ang publiko na makibahagi sa mga ganitong aktibidad.
Bukod sa mga donation drive, bukas din araw-araw ang opisina ng Red Cross sa Odiongan para sa sinumang nais mag-donate ng dugo at makatulong sa kapwa.
Discussion about this post