Pormal na ipinagkaloob ng Department of Health CHD MIMAROPA ang isang bagong ambulansiya sa Bayan ng San Jose, Romblon, upang magamit ng mga mamamayan.
Ang ambulansiya ay binasbasan ng Kura-Paroko ng San Jose, Rev. Fr. Ruben Manliquez, bilang bahagi ng seremonya ng pagbabasbas at panalangin.
Ayon kay Dr. Mark J. Giron, pinuno ng Rural Health Unit ng San Jose, ang pagkakaroon ng bagong ambulansiya ay isang malaking tulong, lalo na’t limitado lamang ang mga ospital at klinika sa isla.
Binibigyang-diin niya ang kahalagahan ng ambulansiya sa pagdadala ng mga pasyente sa mas advanced na pasilidad para sa karagdagang paggamot. Lubos ang kanyang pasasalamat sa bagong ambulansiya na makakatulong sa pangangailangan ng mga residente ng San Jose.
Nagpasalamat din si Dr. Giron sa suporta ng mga pinuno ng San Jose, kasama si Mayor Egdon T. Sombilon, Vice Mayor Ronnie D. Samson, mga opisyal ng bayan, at ang Department of Health CHD MIMAROPA.
Discussion about this post