May kabuoang 750 na punla ng mangrove ang naitanim sa ginanap na Mangrove Tree Planting Activity sa dalampasigan ng Brgy. Marigondon, Cajidiocan, Romblon kamakailan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Advocacy Support Group ng Philippine National Police.
Kabilang sa nakilahok ang mga Barangay-Based Group of Marigondon, Barangay Health Workers, Barangay Peacekeeping Action Teams, mga Sangguniang Kabataan at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (Marigondon Chapter) maging ang mga drug surrenderers.
Ayon sa Cajidiocan Municipal Police Station, ang aktibidad na ito ay naglalayong pangalagaan at protektahan ang kapaligiran at maging tagapagtaguyod ng isang mas luntiang komunidad.
Hinikayat naman ng Advocacy Support Group at PNP ang komunidad na patuloy na makiisa at makilahok sa mga programang ilulunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan at kasaganahan ng likas na yaman sa bansa.