Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Cajidiocan ang tatlong mangingisda sa dagat malapit sa Cresta De Gallo sa Sibuyan, Romblon.
Ito ay matapos silang maaktuhan na gumagamit ng air compressor bilang breathing apparatus habang nagsasagawa ng kanilang fishing operation.
Ayon sa PCG, nalabag ng tatlo ang San Fernando Municipal Ordinance No. 35-B kaya agad silang dinala sa shoreline ng Sibuyan.
Nakuha sa mga naaresto ang isang unit ng cylinder tank, six spear guns, three pairs of flippers, 140-meter hose, at 30 kilo ng iba’t ibang klase ng isda.
Dinala na sila sa Municipal Agriculture Office ng nasabing bayan.