Sa pamamagitan ng isang resolusyon, hiniling ng Sangguniang Bayan ng Odiongan sa Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) at kay Governor Jose Riano na idaan muna sa anti-body rapid testing ang lahat ng locally stranded individual na babalik ng probinsya ng Romblon mula sa iba’t ibang pantalan lalo na umano sa Batangas at Lucena.
Sa resolusyon na inaprubahan ng konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Diven Dimaala, sinabi nila na unti-unti umanong nadagdagan ang mga kaso ng Covid-19 sa Romblon simula ng magsiuwian ang mga LSIs.
Paliwanag ni VM Dimaala ng makausap ng PIA-Rmoblon, dapat umano kapag nag-positibo na sa rapid testing sa Batangas Port palang ay huwag na pasakayin ng barko patungong Romblon.
Nitong Miyerkules, pormal na inabot ng mga miyembro ng konseho kay Governor Riano ang nasabing resolusyon.