Parusang pagkakakulong ng hanggang anim na buwan, o pagbayad ng multang P2,500 ang maaring kaharapin ng mga taong nasa Odiongan na mahuhuling magdiscriminate o magpapahiya sa mga frontliners at mga pasyente ng Covid-19.
Ito ang nasasaad sa bagong ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Odiongan nitong Biyernes, April 17.
Batay sa nasabing ordinansa, labag sa batas ang paggawa ng mga gawaing posibleng makapag-cause ng stigma, disgrace, shame, humiliation, harrasment, o descrimination laban sa mga persons under investigation at monitoring, ganun rin sa mga health workers at iba pang frontliners, at mga repatriated overseas Filipino worker (OFW).
Kasama rin sa mga paparusahan sa ilalim ng nasabing ordinansa ang mga magpapalabas ng pangalan ng mga PUI, PUM, at mga positive patients sa social media ng walang pahintulot sa pasyente.
Papanagutin rin umano ang mga opisyal ng gobyerno na hindi makakapagbigay ng assistance sa mga infected at suspected patients ng Covid-19, health workers, frontliners, na balak umuwi sa kanilang mga bahay kahit may clearance sa health officials.
Ang mga opisyal ng gobyerno na lalabag sa nasabing batas ay posibleng masampahan ng kasong administratibo.