Nasabat ng mga tauhan ng Office of the Provincial Veterinarian ang aabot sa halos limang kilo ng processed pork products mula sa Odiongan Public Market nitong Biyernes ng umaga.
Ayon kay Dr. Paul Miñano, Provincial Veterinarian, ang mga nasabat ay patagong inangkat mula sa Luzon patungo sa probinsya kahit ipinagbabawal ito sa bisa ng isang executive order na nilabas ni Governor Jose Riano nitong mga nakalipas na buwan.
Agad na sinunog at inilibing ang mga nakumpiskang karne para hindi na magamit ng mga may-ari at tao.
Paalala ni Miñano, naka-ban ang pag-aangkat ng mga karne ng baboy at iba pang processed pork products mula sa Luzon dahil sa banta parin ng african swine fever (ASF).