Inalala ngayong ika-24 ng Oktobre sa bayan ng Alcantara, Romblon ang ika-75 anibersaryo ng ‘Battle of Sibuyan Sea’ kung saan naging panauhing pandangal ang mga miyembro ng Philippine Navy at United States Navy.
Ang taunang paggunita sa “Battle of Sibuyan Sea” ay alinsunod sa Proclamation No. 45 na pinirmahan noon ni President Benigno S. Aquino III na nagdedeklara sa ika-24 ng bawat taon bilang ‘Battle of Sibuyan Sea Day’.
Maalala na noong ika-24 ng Oktubre taong 1944, ang Battle of Sibuyan Sea ang naging simula ng Battle of Leyte Gulf kung saan napalubog ng mga Submarine at Aircraft Carrier ng Estados Unidos ang napakalaking barkong pandigma ng Japan na “Musashi.”
Ang paggunita ng mga residente ng Alcantara ay sinimulan sa pamamagita ng parada mula Public Plaza patungo sa baybayin ng Brgy. Poblacion kung saan makikita ang historical marker na tanda ng pagiging magkaibigan ng mga bansang sangkot noon sa gyera, ang Pilipinas, Japan at ang Estados Unidos.
Sinundan ito ng maikling programa kung saan binasa ang mensahe ni Vice Admiral (VADM) Robert Arugay Empedrad, kasalukuyang Flag Officer-in-Command ng Philippine Navy.
Sa mensahe ni VADM Empedrad, sinabi nito na ang paggunita sa Battle of Sibuyan Sea ay isa sa mga paraan para isulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng tatlong bansa. Inalala nito ang mga nagawang kabayanihan ng mga sundalo noong panahon ng digmaan.
“The commemoration of the Battle of Sibuyan Sea is one of our collaborative acts to promote peace, unity, and prosperity among the Americans, Japanese, and Filipinos as we jointly remember our fallen soldiers and civilians who fought during the war. Their heroic deeds are recognized as foundations of the peace and freedom that the Filipino people continue to enjoy today (Ang paggunita sa Battle of Sibuyan Sea ay isa sa ating mga gawain upang itaguyod ang kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa mga Amerikano, Hapon, at mga Pilipino habang sama-sama nating inaalala ang ating mga namatay na sundalo at sibilyan na nakipaglaban noong panahon ng digmaan. Ang kanilang kabayanihan ay kinikilala bilang mga pundasyon ng kapayapaan at kalayaan na patuloy na tinatamasa ng mamamayang Pilipino ngayon),” ayon kay VADM Empedrad.
Pinasalamatan niya rin ang mga nag organisa sa nasabing pagtitipon dahil patuloy nitong na papangalagaan ang kasaysayan at kabuluhan ng nangyaring gyera sa karagatang sakop ng probinsya ng Romblon.
Samantala, matapos ang programa ay nag-alay ang mga miyembro ng Philippine Navy at si US Naval Attache Commander Brian Clark ng bulaklak sa bantayog ng Battle of Sibuyan Sea kasama sina Romblon vice governor Felix Ylagan, SP member Bing Solis, Alcantara mayor Riza Pamorada at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.
Taong 2006 ng similang gunitain sa bayan ng Alcantara ang makasaysayang Battle of Sibuyan Sea kung saan nakalagay ang bantayog nito na inilag ng National Historical Commission.