Aabot sa 36% ng mga kumuha ng exam na nagtapos sa Romblon State University College of Engineering and Technology ang nakapasa sa katatapos lang na September 2018 Electrical Engineer Licensure Examination na ginanap sa Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Tacloban at Zamboanga.
Sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), 16 out of 44 ang nakapasa na graduate ng RSU Main Campus.
Kinilala ng College of Engineering and Technology ang mga nakapasa na sina Engr. Paolo Alano, Engr. Jrlyn Angeles, Engr. French John Falogme, Engr. Leni John Ferry Jr., Engr. Kim Fetalver, Engr. Francis Feudo, Engr. Francis Fruelda, Engr. Edgar Ibabao, Engr. Ely Madrid Jr., Engr. Ma. Carlota Magante, Engr. John Paul Menorca, Engr. Maureen Rubion, Engr. Remar Rubion, Engr. Ronald Andres Jr., Engr. Agosto Alfara Jr., at Engr. Alfred Manzano.
Sa pangkalahatan, 3,135 ng total na 4,697 na kumuha ng licensure exam ang ngayo’y Registered Electrical Engineers na ayon sa Professional Regulation Commission.
Samantala, 10 out 20 naman na graduate rin ng Romblon State University College of Engineering and Technology ang ngayo’y mga bagong Registered Master Electricians.
Sinabi naman ng Professional Regulation Commission na kanila lamang i-aanunsyo sa kanilang website ang araw at lugar kung saan gaganapin ang oathtaking ceremony ng mga bagong Electrical Engineer at Master Electrician.