Pansamantalang pinatigil muna ng Department of Public Works and Highways ang ginagawang clearing operation ng contractor ng ginagawang Magdiwang-San Fernando Cross Country Road kasunod ng pagkabahala ng ilang nongovernment organizations kaugnay sa nasabing proyekto dahil dadaan umano ito sa Mt. Guiting-Guiting Natural Park, isang protected area ng Romblon Province.
Ayon sa sulat na pinadala ni DPWH-Romblon District Engr. Napoleon Famadico sa grupong Bayay Sibuyanon noong March 09, sinabi nitong ang current status ng clearing operation ay “stopped/suspended”.
Naglabas ng pahayag ang grupong Bayay Sibuyanon Inc. at The Climate Reality Project Philippines na sila ay nababahala sa nasabing 3.8-kilometer concrete road.
Naglunsad rin ng signature campaign ang grupong Bayay Sibuyanon Inc. sa Sibuyan Island nitong Marso matapos na makatanggap ng report na merong clearing operation na nangyayari sa Barangay Jao-asan sa bayan ng Magdiwang. Hindi rin umanong feasibility study na ginawa ang DPWH kaugnay sa nasabing proyekto.
“We have no problem with the fact that the road will be beneficial (to Romblon’s access and economy). What we are looking into is the legality of the project”, ayon kay Bayay Sibuyanon Chairman Rodne Galicha ng makapanayam ng Inquirer.
Sa panayam rin ng Inquirer kay DPWH-Romblon Asst. District Engr. Roger David, sinabi ni David na na-award na ang nasabing project sa kompanyang Sunwest Construction and Development Corp.
Sinabi rin ni ADE David na may roong 1.6 km ng Mt. Guiting-Guiting ang dadaanan ng nasabing proyekto at kung hindi umano nila makukuha itong 1.6km ay baka ipatigil nalang ang nasabing construction.
Samantala, sinabi na ng Protected Area Management Board ng Department of Environment and Natural Resources na papayagan nila ang construction ng Magdiwang-San Fernando Cross Country Road basta hindi maapektuhan ang protected area ng Romblon, ang Mt. Guiting-Guiting Natural Park.