Isang lalaki sa Cajidiocan, Romblon ang inaresto matapos na magsimula ng iskandalo at manigaw ng mga pangit na pananalita sa mga pulis na rumesponde sana para pakalmahin siya.
Kinilala ang suspek ni Police Senior Inspector Leidelyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Provincial Police Office, na si Rene Bartolome, 45-taong gulang, mangingisda at residente ng Barangay Poblacion.
Batay sa police report Cajidiocan Municipal Police Station, tanghali nitong Sabado ng rumesponde sina SPO1 Elven Esteron at PO1 Ramon Rey sa reklamo na nagwawala nga umano itong si Bartolome.
Pagdating ng mga pulis sa lugar ni Bartolome, nagpakilala ang mga ito at nagtangka na kausapin sana ang suspek ngunit sinigawan umano sila ng nagwawalang suspek.
Batay sa police report, nagsisigaw umano ang suspek na hindi siya takot sa pulis at nagtangka di umano na papatayin niya ang mga ito at hindi umano siya takot makulong.
Agad naman siyang pinusasan nina SPO1 Esteron at PO1 Rey at dinala sa Sibuyan District Hospital para sa medical examination para malaman kung nakainum ang suspek.
Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa reklamong Alarm and Scandal, at Disobedience to Agent of Authority.