Paalala ng DOST-Pagasa sa mga kababayan, laging magmatyag at makipag-ugnayan sa barangay at sa disaster risk reduction and management office (DRRMO) sa tuwing umuulan.
Mula pa nitong Sabado ng gabi, nagpapalabas ng “General Flood Advisories” o abiso ukol sa pagbabaha ang Pagasa na siyang ipinakakalat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa iba’t ibang ahensiya at kinauukulang sangay ng Office of Civil Defense (OCD).
Ayon sa DOST-Pagasa, nakakaapekto pa rin sa dulong hilangang Luzon ang hangin amihan bagamat inaasahan nilang hihina ito sa pagtatapos ng linggo.
Ang Easterlies naman ang makakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa; may dalang mainit na hangin ang Easterlies mula sa Silangan na siyang magiging sanhi ng pagkamaulap ng isang lugar.
Pag-maulap, may posibilidad na umulan.
Kapag tuloy-tuloy ang pag-ulan sa loob ng ilang araw, sa bundok man o kapatagan, ay napupuno ang mga ilog at mga sangay nito hanggang sa umapaw.
Ang Palawan ay makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.
Kaya kung magtuloy-tuloy ang pag-ulan, ang mga ilog at sangay na maaring maapektuhan ng ilog-baha sa Palawan ay ang Abongan, Lian, Barabakan, Rizal, Caramay , Lagogona, Babuyan, Bacungan, Iwahig Penal, Inagauan, Aborlan, Malasgao, Apurauan, Banton-Banton, Aramayawan, Ihawig, Panitian, Pulot, Lamakan, Kinlugan, Eraan, Tiga Plan, Malabangan, Ilog, Bansang, Conduaga, Culasian, Ihawig (Brookes), Okayan, Canipan, at Busuanga, Coron.
Sa kabikulan, mahinang hanging ang iiral at makakaranas ng pulu-pulong pagkulog-pagkidlat.
Ang mga maaring maapektuhang ilog at sangay sa Kabikulan ay ang Cabuyan, Bato at Pajo (Catanduanes), Labo at Daet Basud (Camarines Norte); Lower Kibay, Catabangan, Ragay,Tinalmud, Tambang at Lagunoy (Camarines Sur); Guinale at Upper Donsol (Albay); Lanang, Mapayawan, Mandaong, Asid, Malbag, Guiom, Nainday, Daraga, Nauco o Aguada at Beleno; Lower Donsol, Ogod, Putiao, Cadacan, Banuang-duan, Fabrica (Tugbugan) at Matnog.
Ang Kanlurang Kabisayaan ay makararanas ng mahina hanggang manaka-nakang katamtamang pag-uulan at pagkulog-pagkidlat.
Ang mga maaring maapektuhang ilog at sangay sa rito ay ang Pinantan, Barotac, Aklaygan, Jalaud, Jalano, Jagdong, Jalaur, Lamunan, Jaro-Agaman, Sibalom at Guimbal (Iloilo); at Malogo, Sicaba, Grande, Himocaan, Danao, Upper Tyabanan, Sipalay at Lower Ilog (Negros Occidental).
Para naman sa Silangang Kabisayaan, kung saan mahina hanggang manaka-nakang katamtaman ang pag-uulan ang mararanasan, ang mga maapektuhang ilog at sangay ay ang Basey, Silanga, Calbiga at Jibatan (Samar); Sangputan, Palo, Salano (Quilot), Daguitan, Marabang, Cadacan, Bongquirogan, Salug, Pagnabagaran, Pagsangahan at Binahaan (Leyte); Bisay, Himbangan at Pandan (Southern Leyte); Oras, Dolores, Ulot, Taft, Borongan, Suribao, Llorento, Balangia at Sulat (Easter Samar).
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa rehiyon ng Caraga at ang mga ilog at sangay nito na maapektuhan ay ang Cantilan, Toracan, Tandag, Tago, Hubo-Oteiza, Hinatuan at Bislig (Surigao del Sur); Surigao at Magallanes (Surigao Del Norte); Lake Mainit-Tubay, Asiga, Agusan, Linugos at Cabadbaran (Agusan Del Norte).
Paanyaya ng DOST-Pagasa at NDRRMC, palagiang alamin ang mga ipinalalabas na flood advisories para makaiwas sa pinsala ng baha.
Pinaaalalahanan ang mga kababayang naninirahan sa mga dalisdis at mga lugar malapit sa mga nasabing ilog at sangay na maghanda at mag-ingat. (LP/PIA-Mimaropa)