Nagsagawa ng preemptive evacuation ngayong gabi ang bayan ng San Fernando sa Sibuyan Island, Romblon dahil parin sa banta ng bagyong Urduja sa probinsya.
Ang Sibuyan Island kasi ang unang makakaramdam ng hagupit ni Urduja kung sakaling lumapit na ito sa Romblon bukas.
Ayon kay Muncipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Harly Relox, aabot sa 30 pamilya o 134 katao ang inilikas galing sa coastal Barangay ng Azagra at kasalukuyang tumutuloy sa Azagra Elementary School.
Patuloy naman umunong naka-monitor ang MDRRMO-San Fernando sa iba pang barangay na maaring maapektuhan ni Urduja.
Samantala, aabot rin sa 424 kataong stranded sa pantalan sa bayan ng Odiongan at Romblon ang inilikas muna sa Odiongan North Central Elementary School at Romblon East Central Elementary School dahil parin sa banta ng bagyong Urduja.
Patuloy rin ang ibinibigay na assistance ng DSWD at Local Government Unit sa mga apektadong biyahero.