Naglaan ng mahigit P40.5-million ang pamunuan ng Deparment of Transportation para sa gagawing rehab ng runway ng Romblon Airport o dating Tugdan Airpot, ngayong taon.
Ang nasabing project ay binuksan na para sa mga interrested bidders.
Ang pagpapaganda sa runway ng Romblon Aiport bahagi ng P1.1 billion halaga ng proyekto ng Department of Transportation para sa 7 airports sa buong bansa.
Ang ilang airports na kasama sa nasabing project ay ang General Santos International Airport, Calbayog Airport, Sanga-Sanga Airport, Catarman Airport, Siquijor Airport, at Ozamiz Airport.
Nilabas ng DOT ang bid documents nitong Miyerkules at ang deadline para sa mga gustong sumali sa bidding ay November 8-9.