by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 02 June 2016
Ang Alcantara National Trade School (ANTS) ay tatawagin na sa bago nitong pangalan na Romblon National Institute of Technology (RNIT) matapos lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act No. 10849.
Ang R.A. 10849 na nilagdaan ng pangulo noong ika-26 ng Mayo, ay batas na nagtatakda sa pagkakakilanlan ng Romblon National Institute of Technology (RNIT) na layuning matutukan ng husto ang mga out-of-school-youth at mag-aaral na nais sulailalim sa mga teknikal at bokasyonal na pagsasanay.
Ang RNIT ang pangunahing paaralan sa lalawigan na ginagamit ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagkakaloob ng skills trainings sa mga estudyanteng nag-avail ng scholarship mula sa nasabing ahensiya.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng TESDA Romblon kay Congressman Eleandro Jesus F. Madrona na siyang may-akda ng nasabing batas dahil mas marami pang matutulungan ang naturang paaralan sapagkat magkakaroon na ito ng sariling pondo upang maayos itong mapatakbo.