May kabuuang 120 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa tatlong organisasyon sa lalawigan ang lumahok sa serye ng capacity-building trainings na isinagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR) Provincial Office of Romblon.
Kabilang sa mga lumahok ang mga miyembro ng Agricultural Growers and Reformers of Calatrava Incorporated, Claro M. Recto Farmer’s Organization Incorporated, at Patoo Aurora Farmers Association Incorporated.
Tinalakay sa mga pagsasanay ang mga paksa sa financial management, policy review, at strategic planning upang madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng mga ARB sa pamamahala ng kanilang mga organisasyon.
Sa pamamagitan ng training, layunin ng DAR na mapalakas ang kakayahan ng mga ARB sa pagpaplano, paggawa ng desisyon, at pamamahala ng kanilang mga organisasyon at kabuhayan.
Patuloy din ang pagbibigay ng DAR ng suporta at teknikal na tulong upang magamit ng mga ARB ang kanilang mga natutuhan sa pagpapaunlad ng kanilang mga organisasyon at komunidad.



































Discussion about this post