Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Agosto 28, 2026, Biyernes, bilang special non-working day sa bayan ng San Agustin, Romblon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kalipayan Festival.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1397, binigyan ng pagkakataon ang mga residente na ganap na makilahok at makiisa sa mga aktibidad at pagdiriwang ng festival.
Nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto, sa pamamagitan ng awtoridad ng Pangulo, ang proklamasyon noong Agosto 20, 2026.
Ang Kalipayan Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang sa San Agustin, kung saan isinasagawa ang iba't ibang aktibidad kabilang ang pagpapakita at pagbibida ng mga lokal na produkto at kabuhayan ng bayan. (PND)



































Discussion about this post