Inaasahang magdudulot ng dagdag na kita sa mga transport service provider sa Romblon ang pagbabalik ng mga commercial flight sa Tugdan Airport, ayon sa isang kinatawan ng KAI Travel and Tours.
Sa panayam sa sidelines ng Memorandum of Agreement (MOA) signing para sa pagtatatag ng LTFRB Extension Office sa San Agustin, sinabi ng kinatawan ng travel agency na ang pagdami ng mga pasaherong dumarating sa lalawigan sa pamamagitan ng eroplano ay may direktang positibong epekto sa sektor ng transportasyon.
Ayon sa kanya, mas maraming pasahero ang nangangahulugan ng mas maraming biyaheng makukuha ng mga van, tricycle, at iba pang public utility vehicles na nagseserbisyo sa mga biyahero mula sa paliparan patungo sa iba't ibang destinasyon sa Romblon.
Dagdag pa nito, hindi lamang ang transport sector ang nakikinabang sa pagdami ng flights kundi maging ang turismo at iba pang lokal na negosyo na umaasa sa pagdagsa ng mga bisita sa lalawigan.
Kasabay nito, sinabi rin ng kinatawan ng KAI Travel and Tours na mahalaga ang patuloy na pagpapabuti ng imprastraktura at mga serbisyo sa transportasyon upang higit pang mahikayat ang mga turista at mamumuhunan na bumisita sa Romblon.



































Discussion about this post