Muling nakaranas ng pagyanig ang ilang bahagi ng Romblon matapos tumama ang magnitude 5.2 na lindol na naitala 20 kilometro timog-kanluran ng Claveria, Masbate alas-3:04 ng hapon nitong July 14, ayon sa PHIVOLCS.
Ayon sa ahensya, ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.4 na lindol na yumanig sa Claveria noong July 13.
Bilang pag-iingat, agad na lumikas ang mga guro at estudyante ng Magdiwang National High School sa Magdiwang, Sibuyan Island, at nagtipon sa open space ng paaralan alinsunod sa umiiral na earthquake safety protocol upang maiwasan ang panganib mula sa posibleng pagbagsak ng mga debris.
Sa kasalukuyan, wala pang naiuulat na nasugatan o napinsalang pasilidad sa paaralan batay sa paunang assessment.
Wala rin namang naitalang pinsala o nasugatan sa iba pang bahagi ng lalawigan kaugnay ng pinakahuling pagyanig.
Patuloy namang pinapayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling alerto sa mga posibleng kasunod na aftershocks at sundin ang mga abiso ng mga lokal na awtoridad.



































Discussion about this post