Tumanggap ng kabayaran ang 109 Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa Romblon District Jail sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment nitong Abril 5.
Isinagawa ang payout sa koordinasyon ng mga kawani ng Romblon District Jail sa pangunguna ni Acting District Jail Warden Jail Senior Inspector Emely Mallen upang matiyak na matatanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo ang kanilang pinansyal na tulong.
Layunin ng TUPAD na magbigay ng pansamantalang hanapbuhay at pinansyal na suporta sa mga disadvantaged at displaced workers, kabilang ang mga PDL, upang makatulong sa kanilang pangangailangan at mahikayat ang produktibong pakikilahok habang nasa loob ng pasilidad.
Ayon sa pamunuan ng Romblon District Jail, patuloy nilang sinusuportahan ang mga programang nakatuon sa kapakanan, rehabilitasyon, at reintegrasyon ng mga PDL sa komunidad.


































