Pormal nang binasbasan at binuksan ang bagong gusali ng Rural Health Unit (RHU) sa bayan ng Ferrol upang palakasin ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente.
Pinangunahan ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Christian Gervacio. Pinangunahan naman ni Rev. Fr. Francis Fornal ang blessing ng gusali kasabay ng pagdaraos ng banal na misa bilang hudyat ng pormal na pagbubukas at paggamit ng bagong pasilidad.
Ayon sa pamahalaang bayan, ang bagong RHU building ay inaasahang magpapabuti sa paghahatid ng serbisyong medikal at magbibigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga pasyente. Pangungunahan ito ng bagong Municipal Health Officer na si Dr. Renato R. Menrige Jr..
Inaasahan ding makatutulong ang bagong gusali sa pagpapalakas ng health services ng bayan at mas mabilis na pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga mamamayan ng Ferrol.


































