Niyanig ng malakas na lindol na may lakas na magnitude 6.7 ang bahagi ng Cebu nitong Martes ng gabi, Setyembre 30, bandang alas-9:59, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Natukoy ang epicenter sa layong 17 kilometro hilaga-silangan ng Bogo City, Cebu, na may lalim na 10 kilometro.
Batay sa inisyal na ulat, nakaramdam ng Intensity III sa San Fernando, Cebu, at Intensity II sa Laoang, Northern Samar. Samantala, naitala rin ang instrumental intensity VI sa Cebu City at Villaba, Leyte.
Damang-dama rin ang pagyanig sa Sibuyan Island at Tablas Island sa lalawigan ng Romblon.
Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang posibleng pinsala at aftershocks kasunod ng malakas na lindol.
Discussion about this post