Magsasagawa ng mobile services ang Professional Regulation Commission (PRC) sa probinsya ng Romblon sa darating na April 24 hanggang 28.
Ayon sa anunsyo ni Governor Jose Riano, sa darating na April 24-26 ay nasa Romblon, Romblon ang PRC at sa darating na April 27-28 ay lilipat silang Odiongan sa Tablas Island para tumanggap ng renewal ng mga lisensya, at authentication ng mga documents.
Tumungo lamang sa opisyal na website ng PRC para sa iba pang detalye kung paano makakuha ng appointment.


































