• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Saturday, September 5, 2026
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Marcos nilagdaan ang amendments sa batas para palawakin ang tulong sa mga college at vocational students

    Marcos nilagdaan ang amendments sa batas para palawakin ang tulong sa mga college at vocational students

    DepEd Romblon nagbukas ng satellite office sa Isla de Carabao

    DepEd Romblon nagbukas ng satellite office sa Isla de Carabao

    Coast Guard Romblon, nagbukas ng outpost sa San Andres

    Coast Guard Romblon, nagbukas ng outpost sa San Andres

    5,496 pamilya sa 12 barangay ng Alcantara, tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas

    5,496 pamilya sa 12 barangay ng Alcantara, tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas

    VM Fabiala nagpasalamat kina Sen. Go, Villar sa mga tulong para sa Corcuera

    VM Fabiala nagpasalamat kina Sen. Go, Villar sa mga tulong para sa Corcuera

    Dapawan Stuff SLP Association nagbukas ng general merchandise enterprise

    Dapawan Stuff SLP Association nagbukas ng general merchandise enterprise

    Balinsasayaw Cave sa San Agustin, pansamantalang isasara sa publiko

    Balinsasayaw Cave sa San Agustin, pansamantalang isasara sa publiko

    School safety drill, suportado ng Provincial Peace and Order Council ng Romblon

    School safety drill, suportado ng Provincial Peace and Order Council ng Romblon

    Corcuera MPS, namahagi ng food packs sa mga benepisyaryo ng 4Ps

    Corcuera MPS, namahagi ng food packs sa mga benepisyaryo ng 4Ps

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

    MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

  • Sports
  • eTabloid
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Ano ending sa “Kamaraserye”

Rey Marfil by Rey Marfil
October 10, 2020 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 20 mins read
8
0
U_Spy: Nakakabinging Speaker sa House
Share on FacebookShare on Twitter

Sa takbo mga tropapips ng mala-teleseryeng kabanata sa Kamara de Representantes, lumalaki ang palatandaan na walang balak si Speaker Alan Peter Cayetano na sundin ang gentleman's agreement nila ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco na paghahatian ang termino bilang lider ng mga kongresista.

Sa nakaraang mga “episode” ng Kamaraserye, aba'y parang nilagyan ni Cayetano ng pandikit ang upuan ng Speaker para idikit doon ang kaniyang puwet habang parang tokong nakakapit sa hawakan nang hindi ito maagaw ni Velasco at mga karancho nito.

Ang ilan nating kurimaw na nagpustahan kung aalis o hindi sa puwesto si Cayetano, bumilib sa mga taktika ng pambato ng Taguig para manatili sa puwesto. Matapos kasing magdrama na nagbibitiw sa kaniyang puwesto [na sinayang ang isang araw na trabaho ng mga kongresista], ang sunod naman na ginawa eh biglang ipinasa sa second reading ang 2021 national budget bill, at ipinasuspindi pa ang sesyon hanggang sa November 16.

Kung tutuusin, makikitang taktika ang ginawa ni Cayetano at mga kaalyado niya nang magdrama siya magbibitiw kuno sa puwesto noong September 30 para paupuin na si Velasco. May nagmosyon na tutulan ang pagbibitiw at mahigit na 180 kongresista raw ang boto para sa mosyon kaya ‘di natuloy ang pagbibitiw.

Matapos nito, ang sinasabing mahigit 180 na boto ang ginagamit na palusot ng kampo ni Cayetano na mayorya raw ng mga kongresista ang ayaw kay Velasco. Ang naturang boto eh “fresh mandate” daw kay Cayetano kaya dedma na ang term sharing agreement kay Velasco. Bukod doon, “consumated” na raw o naipatupad na ang term sharing nang mag-alok si Cayetano na magbitiw para makaupo si Velasco pero tinanggihan ng mahigit 180 kongresista.

Ngunit kung susuriin, September 30 nang mangyari ang drama ni Cayetano, at bago nito eh napagkasunduan na nila ni Velasco sa harap pa man din ni President Mayor Digong Duterte na magaganap ang palitan nila ng puwesto sa October 14. Kaya naman may ibang kongresista na bumoto laban sa pagbibitiw ni Cayetano dahil may usapan na nga kung kailan siya dapat umalis sa puwesto.

Bukod doon, biglaan ang ginawa niyang drama. Aba'y kung ipinaalam niya kay Velasco ang plano niyang pagbibitiw, baka nagtungo si Velasco at ang tropa niya sa plenaryo para bumoto na ituloy ang pag-alis niya sa puwesto. Maliban doon, kasama sa mga bumoto na huwag siyang magbitiw eh mga kasapi ng Minority group, na kung liderato ang pag-uusapan ay hindi dapat “counted” ang boto dahil usapin ng Majority group ang speakership.

At para hindi na matuloy ang pagpapalit ng liderato sa Kamara sa Oktubre 14, mantakin mong ipinasuspindi na ni Cayetano ang sesyon hanggang Nobyembre 16. Ginawa niya ito kahit masakripisyo ang mahalagang 2021 national budget na hindi pa tapos ang deliberasyon ng mga kongresista sa plenaryo.

At para makontrol niya ang alokasyon sa pondo ng mga proyekto ng mga kongresista sa distrito, ipinasa ng mga tropa niya sa ikalawang pagbasa ang budget, at bumuo ng komite [na mga alalay niya ang nakaupo] kung saan doon na lang dadalhin ng mga kongresista ang mga hiling nilang proyekto.

Kaya ang mga kongresistang may nais na hingin na pabor para sa kaniyang distrito, aba'y magmamano muna sa mga alalay ni Cayetano. At malamang, kung sumusuporta ka kay Velasco, magdadalawang-isip ka na dahil proyekto ang nakasalalay dito. Lalo na kung balak mong tumakbong muling kongresista o sa ibang posisyon sa iyong nasasakupan dahil kailangan may maipakita ka sa mga kababayan mo.

Kung masusunod ang plano ni Cayetano, ipapasa nila sa Kamara sa ikatlong pagbasa ang 2021 budget sa Nov. 16 at saka ipadadala ang bersiyon sa Senado para talakayin naman ng mga senador. Kilalang mabusisi sa budget ang mga senador lalo na si Sen. Ping Lacson dahil sinisilip nito ang mga isinisingit na pork barrel fund ng mga kongresista. Kaya may pangamba na baka hindi maipasa ngayong taon ang 2021 budget.

Kaya kung magkakaroon man ng palitan ng liderato sa Kamara pagsapit ng Nov. 16, aba'y ayos na ang buto-buto ng pondo ng mga alipores ni Cayetano. At kung mapapasaya niya ang mga sumusuporta kay Velasco, baka magbaliktaran din ang mga iyon. Pero puwede rin namang isihan nila si Cayetano at ituloy ang pagpapalit ng liderato, at sa bicameral conference committee na lang nila silipin kung anuman ang pinaggagawa ng liderato ni Cayetano sa budget.

Pero gaya ng mga istorya sa totoong teleserye, baka magkaroon din ng “twist” sa Kamaraserye. Kahit ipinasuspindi ni Cayetano ang sesyon hanggang sa Nobyembre 16, aba'y abangan natin kung biglang magkaroon sesyon sa Kamara bago ang tunay na bakasyon nila dapat na Oct. 14. Papaano?

Kung magagawa ni Velasco na makapagpakita na katibayan tulad ng resolusyon o manepesto na pirmado ng mayorya [mahigit 150] ng 300 kongresista na nais na ipatupad ang term sharing agreement sa speakership. Abangan next week kung ano mangyayari sa special session pinatawag ni Duterte— masisibak ba si Cayetano o patuloy magkukunyapit bago ipagpatuloy ang budget deliberations.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Popular Stories

  • DepEd Romblon nagbukas ng satellite office sa Isla de Carabao

    DepEd Romblon nagbukas ng satellite office sa Isla de Carabao

    21 shares
    Share 8 Tweet 5
  • 5,496 pamilya sa 12 barangay ng Alcantara, tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas

    13 shares
    Share 5 Tweet 3
  • Why Everyone’s Suddenly Addicted to Pickleball

    57 shares
    Share 23 Tweet 14
  • Marcos nilagdaan ang amendments sa batas para palawakin ang tulong sa mga college at vocational students

    7 shares
    Share 3 Tweet 2
  • Nine injured after Jeep overturns in Looc

    1654 shares
    Share 662 Tweet 414
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Halos 80 lumahok sa ‘Sikad Laban sa Kriminalidad’ ng Romblon PNP

250 estudyante sa Romblon National High School, lumahok sa Crime Prevention Symposium

Mga kawani ng LGU Cajidiocan, nagkaisa sa Unity Walk para sa Civil Service Month

TRENDING FOR THE MONTH

Dalawa patay sa aksidente sa motorsiklo sa Calatrava

Babaeng rider na susundo sana ng anak sa paaralan, patay matapos masalpok ng rider na umano’y lasing

Lalaki patay matapos saksakin ng sariling kapatid sa loob ng Barangay Hall sa Alcantara

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Click here to close the Ad

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Blogs
  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Sign Up