Nagpakalat ng mga tauhan ang Odiongan Municipal Police Station (MPS) sa bagong bukas na Hataw Shopping Center upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili, bisita at iba pang gumagamit ng kalsada.
Ayon kay Major Dennis Rivera, layunin ng police deployment na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, matiyak ang maayos na daloy ng trapiko, at magbigay ng tulong sa mga motorista at pedestrian sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili at bisita sa shopping center.
Bahagi rin ito ng hakbang ng Odiongan MPS upang maiwasan ang mga insidente at mapanatili ang kaligtasan ng publiko sa lugar.
Tiniyak naman ng himpilan na patuloy itong magbibigay ng maagap at maaasahang serbisyong pulisya bilang bahagi ng pangangalaga sa seguridad at kaayusan ng komunidad.


























