Ilulunsad ng Starlite Ferries Incorporated ang bagong rutang mag-uugnay sa Romblon at Aklan, na inaasahang magsisimula bago matapos ang taon.
Sa inanunsyo ng Starlite Ferries Inc. nitong November 18, tatahakin ng barko ang rutang Batangas–San Agustin, Romblon–Dumaguit, Aklan, na magbibigay ng karagdagang opsyon sa mga biyahero patungo at mula sa Romblon at Aklan.
Ang barko mula Batangas patungong Romblon at Aklan ay aalis tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes; habang ang ang barko patungong Aklan mula San Agustin, Romblon ay aalis ng Martes, Huwebes at Sabado ganun din pabalik ng Batangas.
Ang bagong ruta ay bahagi ng pagpapalawak ng serbisyo sa paglalayag upang maging mas madali at maginhawa ang pagbibiyahe, pag-uwi at pagbisita sa Romblon.


























