Muling bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa simula Martes, November 17, na ikalawang sunod na linggong magpapatupad ng rollback matapos ang malaking bawas-presyo noong nakaraang linggo.
Batay sa anunsyo ng Department of Energy (DOE) nitong Lunes, November 16, magpapatupad ng bawas-presyo na ₱1.50 kada litro sa gasolina, ₱3.80 sa diesel, at ₱5.80 sa kerosene.
Inaasahang mananatiling epektibo ang mga bagong presyo hanggang Lunes, Nobyembre 23.
Mas malaki ang rollback sa diesel at kerosene kumpara sa gasolina. Noong nakaraang linggo, bumaba ng ₱16.80 kada litro ang presyo ng gasolina, ₱4.10 sa diesel, at ₱3.70 sa kerosene.
Ayon sa DOE, kailangang ipatupad nang buo ng mga kumpanya ng langis ang inihayag na bawas-presyo.
Iniuugnay naman ang patuloy na pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado ng langis sa mga inaasahang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng United States at Iran, na nakapagpapahupa sa pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay ng langis mula sa Middle East.


























