Arestado ang isang 30-anyos na security guard na itinuturing na ika-2 most wanted person sa antas-probinsya matapos ang isang operasyon ng pulisya sa Barangay Carmen, San Agustin, Romblon, tanghali ng Biyernes.
Ayon sa ulat, bandang alas-12 ng tanghali nang isagawa ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Romblon, San Agustin Municipal Police Station at iba pang yunit ng PNP ang pag-aresto sa suspek sa Sitio Agcahico.
Isinilbi sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 81, Romblon para sa kasong rape at statutory rape, na parehong walang rekomendasyon ng piyansa.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CIDG Romblon ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at isasailalim sa tamang disposisyon ng korte.





































Discussion about this post