Naging matagumpay ang paglahok ng Romblon native na si Jose Fabito Jr. sa katatapos lamang na Taiwan Marathon na ginanap noong December 21, 2025, na nilahukan ng humigit-kumulang 9,000 runners mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Natapos ni Fabito ang 42-kilometrong karera sa oras na 2 oras, 42 minuto at 1 segundo, na naglagay sa kanya sa 71st place overall. Dahil dito, siya rin ang itinanghal na No. 1 Filipino runner sa nasabing marathon mula sa mahigit 200 Pilipinong kalahok.
Bagama’t matagal nang sumasali sa mga marathon sa loob ng bansa, ito ang unang pagkakataon ni Fabito na lumahok sa isang international race. Sa kanyang debut, nagpakita agad siya ng lakas at bilis. Ayon kay Fabito, isa sa mga hamon sa karera ay ang malalakas na hangin lalo na sa mga flyover na dinaanan ng mga runner, subalit hindi ito naging hadlang upang matapos niya ang laban.
Matapos ang kanyang pagsabak sa Taiwan, nakatakda namang lumahok si Fabito sa 7/11 Marathon sa February 1, 2026 sa Alabang, Muntinlupa City, at sa Ayala Marathon na gaganapin sa February 22, 2026.




































Discussion about this post